
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Niyanig nitong Martes ng gabi ang probinsya ng Abra ng magnitude 6.4 na lindol at nagdulot ito ng pinsala sa ilang mga istraktura kabilang na ang isang bahagi ng isang simbahan sa La Paz.
Ayon kay Philippine National Police La Paz officer-in-charge Capt. Ron Eslabra, gumuho umano ang tore ng Iglesia Filipina Independiente sa kanilang lugar.
"Nagkalat po ang mga bitak-bitak pong bato sa paligid ng simbahan. Nagtamo rin po ang simbahan ng malalaking pagbitak sa loob," sabi ni Eslabra.
Ayon pa sa opisyal, may mga bitak-bitak din at batong nahulog sa loob ng isa pang simbahan malapit sa kanilang munisipyo.
"Bukod po doon ay mga bitak-bitak po sa mga bahay, lalo na po sa aming police station na yung dating bitak po na nangyari nung nakaraang paglindol eh naglakihan po," dagdag niya.
Ayon naman sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ng Abra, mayroong 11 katao na nasaktan sa nangyaring lindol.
"So far, meron tayong anim na individuals na injured sa Lagayan, isa sa San Quintin, at tatlo po sa San Juan," sabi ni PDRRMO officer-in-charge Arnel Valdez
Nagsimula nang mag-ikot nitong Miyerkules ang mga municipal engineer para suriin ang kaligtasan ng mga bahay na apektado ng lindol at ayon din sa mga ito, passable o maaari pang madaanan ang lahat ng kalsada sa bayan.
Umabot sa Intensity VI ang tindi ng pagyanig dulot ng lindol sa bayan ng La Paz.
Samantala, sa bayan naman ng Tineg, nag-iikot pa ang mga opisyal sa bawat barangay para tingnan ang naging pinsala ng naging lindol.
Ayon sa kanilang Local Disaster Risk Reduction and Management Officer na si Johnuel Loquio, walang naiulat na nasaktan o nasugatan sa kanilang lugar.
"Walang reported o namonitor namin na nasugatan na kababayan namin," aniya.
Pinayuhan naman ni Loquio ang kanilang mga kababayan na huwag munang lumabas ng bahay para makaiwas sa sakuna.
"Ang advice na lang naman e yung kababayan namin, i-refrain muna ang pagta-travel kasi may inaasahan pong mga aftershock nito, tapos yung mga pagguho ng mga kalsada o mga bundok namin dito," aniya.
Sa social media, naglagay ang mga lokal ng pamahalaan ng emergency contact numbers para sa mga kailangan ng agarang tulong dahil sa epekto ng lindol.
Kasabilang sa LGUs ang Baguio City, Abra province, Ilocos Norte, Isabela, at Pangasinan.
Nag-post din ng video si Tuguegarao Mayor Maila Ting Que nang mag-ikot siya sa kaniyang nasasakupan upang alamin ang naging epekto sa kanila ng lindol.
Sa Batac, Ilocos Norte, inihayag ng Bureau of Fire Protection (BFP) na hindi madaanan ang Barani to Ben-agan Bridge.
Agad namang rumesponde ang rescue unit nang makatanggap ng mensahe ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa Ilocos Sur na may humingi ng tulong para nasaktang schoolmate sa isang dormitoryo sa University of Northern Philippines.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…