SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

Zeinab Harake, humingi ng paumanhin

Zeinab Harake, humingi ng paumanhin
Published on

Nag-sorry na ang vlogger at social media influencer na si Zeinab Harake matapos ang kontrobersiyang kinasangkutan nito at ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino.

Sa kanyang Facebook, ipinost ng dalaga ang kanyang public apology.

"Gusto ko lang po sana humingi ng paumanhin sa lahat ng taong napagsalitaan ko ng hindi maganda at sa mga kaibigan kong nadamay sa issue na aking kinasangkutan. Ate Jelai Andres, Ate Alex, Ate Donna, Ivana, Robi, Sanya, Whamos, Toni, Toro Fam, Makagago, Inuts and Sachzna. Hindi po ako magbibigay ng kahit na anong excuse, ang mga nabasa nyo po ay mga salitang nabitawan ko ng hindi ko napag isipan, tao lang din po ako katulad nyo. Ang ugali kong ito ay hindi tama at dapat kong baguhin. I'm really sorry," sabi ni Zeinab.

"Humihingi rin po ako ng tawad sa lahat ng zebbies ko na sobrang nadismaya sa akin. Tao lang din po ako at hindi perpekto. Nawa'y magkaroon po ng kapatawaran ang pagkakamali kong ito and I will try my best upang magbago, again galing sa puso ko I'm so sorry. I will move on and move forward from this dark chapter of my life. I will become better. Maraming salamat po. (praying hands emoji)," dagdag pa niya.

May mga netizens naman na sumuporta kay Zeinab at unang nagbigay ng komento ay ang kaibigan niyang si Xian Gaza.

"Lahat tayo ay nagkakamali. Ang importante eh nakikita natin ito at handang magbago. Move on. Move forward. Pulutin ang leksyon. I'm always here for you. God bless," sabi ni Xian.

"The good thing about being human is we will always have room for improvements. I know you're trying your best everyday to become a better person for yourself and your family. Character development and growth is not comfortable, sad that you had to learn that the hard way pero I am so proud of you ate dahil tinangap mo. Super bait mo, alam namin yon. We love you, always! As in always," sabi naman ng isang John Paul Salonga.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph