
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Dahil sa nalalapit na obserbasyon ng Undas sa bansa — na ngayon ay maisasagawa na nang may kaluwagan dahil sa pagbaba ng alert level restrictions — marami na ang nasasabik madalaw ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Ang ilan din sa nasasabik sa muling pagdagsa ng mga tao sa sementeryo ay ang mga naghahanapbuhay at nagtitinda sa loob at paligid ng Manila North Cemetery.
Inaasahan kasi na magkakaroon na sila ng siguradong kita kapag nagpuntahan nang muli ang mga mamamayan sa mga sementeryo.
Ang ilang mga maliliit na tindahan sa Manila North Cemetery ay naghahanda na nang kanilang mga paninda gaya ng kandila, bulaklak at mga pagkain na rin.
Ang ilang mga sepulturero naman ay abala rin sa paglilinis ng mga puntod na kanilang binabantayan lalo na ngayong siguradong magdadatingan ang mga mahal sa buhay nito.
Samantala, nagtulong-tulong ngayong Martes ang mga tauhan ng Manila city government, Manila Police District at pamunuan ng sementeryo sa paglilinis sa sementeryo.
Nag-inspeksiyon din si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Brig. Gen. Jonnel Estomo sa lugar upang makita ang kahandaan at latag ng seguridad.
Ayon sa NCRPO, wala silang namo-monitor na banta sa seguridad ngayon habang papalapit ang Undas pero hindi anila sila nagpapakakampante.
Nag-ikot din ang EcoWaste Coalition at nanawagan sa mga pupunta sa sementeryo na panatilihing maayos at malinis ang pagunita sa Undas.
Taliwas naman sa nauna nilang inanunsyo, nilinaw ngayon ng pamunuan ng Manila North Cemetery na papayagan na nilang makapasok ang mga edad 12 pababa sa panahon ng Undas kung ito ay bakundo laban sa COVID-19. Ipakita lang umani ang vaccination card papasok sa sementeryo.
Hindi maikakailang sabik na ang lahat na maklahok sa obserbasyon ng Undas matapos ang halos dalawang taon na hindi pagdalaw sa kanilang mga pumanaw na mahal sa buhay.
Pero paalala lamang muli, kailangang sundin pa rin ang mga itinalagang health at safety protocols.