
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Inanunsyo ng Malakanyang nitong Martes na tuluyan na umanong tatanggalin ang requirement na pagsusuot ng face mask maging sa indoor areas maliban sa iilang sitwasyon.
Ayon sa Palasyo, nakatakda na umanong maglabas ng executive order si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magsasaad na boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng mask sa mga indoor areas.
Sinabi naman Tourism Secretary Christina Frasco na napagkasunduan ito sa Cabinet meeting batay sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force hinggil sa pagluluwag ng pandemic protocols sa bansa.
"The direction of the Marcos administration is to lift the remainder of travel restrictions in the Philippines that will include easing mask mandates that will allow the country to be at par with ASEAN neighbors who have long liberalized their mask mandates," sabi ni Frasco.
Dagdag niya, kakailanganin pa rin umanong magsuot ng mask sa loob ng pampublikong transportasyon, medical transportation at medical facility.
Dapat ding magsuot ng mask ang mga unvaccinated kontra COVID-19, mga may comorbidity at mga senior citizen.
Nakatakda ring luwagan ang iba pang COVID-19 restrictions gaya ng pagpasok ng bansa ng mga hindi bakunadong foreigner basta makapagpresenta ng negatibong antigen test result na kinuha nang hindi bababa sa isang araw bago bumiyahe.
Tinanggal na rin ang One Health Pass at pinalitan ng e-arrival platform na mas madaling sagutan ng mga pasahero.
"In the end, we simply cannot go on in a pandemic perspective because we have to give our country an opportunity to thrive while maintaining basic health protocols on one hand and safeguarding and protecting livelihood and the economy on the other," sabi ni Frasco.
Ayon naman sa Department of Health, patuloy pa rin nilang ini-engganyo ang publiko na magsuot ng mask sa labas.
"That is a question for the Office of the President. But for us, clear sa'min that we want to continue encouraging people. Hindi kayo pinagbabawal na mag-wear ng mask. There is also a process for decisions to be made and we are part of an entire task force. So we'll just stop at that. Kasi depende pa 'yan sa magiging desisyon ng presidente. This task force is made up of agencies that is recommendatory to the OP," saad ni DOH Public Health Services Team Undersecretary Beverly Ho.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…