
Ngayong malapit nang magtapos ang Kapamilya series na "2 Good 2 Be True" na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, nagpaliwanag ang dalawang bida kung bakit kailangan nang tapusin ang serye.
Ito ay kahit pa marami pa ring mga tagahanga nila ang humihirit na i-extend ang nasabing teleserye.
Sinabi ni Kathryn na aside doon sa kontrata sa Netflix na ni-commit is 130 episodes, hindi na umano sila maaaring mag-extend.
"As much as we want to extend it, kasi meron kaming magandang show, lahat, every story, kailangan mag-end. The viewers now are very smart so alam nila 'pag pinilit mo na lang, 'pag pinapahaba mo na lang for the sake of filling the episodes. I think, ito, 'yung 130 is enough, kasi nakita 'yung journey ng lahat ng characters. Nakita 'yung flashback, nakita 'yung mga backstory and all na tinahi sa story ng present time," sabi ni Kathryn.
"Mahirap bitawan 'yung show sa totoo lang, lalo ngayon gamay na namin 'yung isa't isa, nag-gi-jive na lahat, but then ayaw namin ipilit. Ito na 'yun. Watch the finale and you'll see 'yung sinasabi ko na it's enough na talaga," dagdag pa niya.
Sinabi rin ng dalaga na talagang inaatake sila ng sepanx o separation anxiety sa pagtatapos ng "2 Good 2 Be True" dahil pamilya na talaga ang turingan ng buong production.
"Hindi pa siya nagsi-sink in sa akin. It feels surreal kasi hindi namin namalayan 'yung oras, kasi nga lock-in, so ang bilis. Tapos ngayon, mag-ki-Christmas na. Ang bilis lahat nangyari for this year para sa aming lahat. Pero narito tayo sa realidad, nandito tayo for the last three weeks of '2 Good 2 Be True,'" sabi ni Kahtryn.
Ayon naman sa direktor ng serye na si Mae Cruz Alviar, "Mahirap magpaalam. Kumbaga sa relasyon, parang okay naman kayo, masaya kayo and all. Why end something good? But then, 'di ba, maganda naman na you end with a bang and on a high note, rather than i-stretch mo nang i-stretch tapos mararamdaman din ng audience. It's good na na-max out namin ang istorya. Kumbaga, sapat siya.
Puwede pa, puwede pa, pero it's better that we end it here, habang masaya pa at hindi stretched."