
Talagang bubbly at nakakatuwa ang personality ng komedyana at beauty queen na si Herlene Budol.
Nanawagan kasi ang dalaga sa isang kaibigan niyang nagngangalang "Nene" at sinabing inaabangan niya ang kanilang pagkikita.
"May kaibigan ako, sinabi sa akin 'sige hindi kita papansinin hanggang hindi ka nagkaka-billboard,' si Nene. Shoutout nga pala sa'yo Nene. 'Ne, pansinin mo na ako, magpansinan na tayo. Oct. 26 magkita-kita po tayong lahat sa Edsa," sabi ni Herlene.
Mahalaga ang petsa sa actress-host sapagkat dito lalabas sa EDSA ang kaniyang 3D billboard, ang pinakamalaki sa bansa.
"Salamat din sa Jag na binigyan ako ng hindi ko akala mangyayari sa buong buhay ko, billboard, 3D. Grabe kayo, 'no, Jag? Tinupad ninyo ang isa sa mga pangarap ko," dagdag niya.
Si Herlene ang tinaguriang "Jag Queen" sa grand coronation night ng Bb. Pilipinas pageant nitong Hulyo, isa lang sa sandamakmak na award na hinakot niya noong gabing iyon.
Nang hirangin siyang first runner-up, wala itong kaakibat na international pageant para salihan niya. Ngunit naghanap ang manager niyang si Wilbert Tolentino ng patimpalak na maaari niyang labanan.
Nakipag-ugnayan ang manager kay Shandy Montecarlo, national director ng Miss Planet International pageant para sa Pilipinas, upang maisalang si Budol contest.
Tinatag ang Miss Planet International pageant sa Cambodia noong 2019 upang isulong ang Sustainable Development Goals ng United Nations. Kabilang sa mga misyon ng patimpalak ang pangangalaga sa kalikasan at pagpuksa sa kahirapan.