
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Nakabalik na sa Pilipinas si Binibining Pilipinas Intercontinental Gabrielle Basiano matapos niyang sumabak sa 2022 Miss Intercontinental pageant sa Egypt noong Okt. 14 kung saan hindi pinalad ang dalaga na makopo ang korona.
Ngayong narito na siya sa bansa, tila nagpahaging ang dalaga sa mga umano'y naging asal ng maraming Pilipinong pageant fans online.
"Sana po tigilan na natin ng bangayan sa social media. Kasi, as of the moment, andami ko pa rin pong nababasa," saad ni Gabrielle.
Kung matatandaan, umani ng batikos ang national costume at evening gown niya mula sa maraming pageant fans sa social media. Si Le Nguyen Bao Ngoc ng Vietnam ang tumanggap ng titulo mula sa Bb. Pilipinas predecessor ni Basiano na si Cinderella Faye Obeñita, na siyang nakasungkit sa pandaigdigang korona noong 2021.
"If I were to give an advice, I hope na sa future representatives natin ng Philippines, hangga't maari huwag po muna kayong mag-message ng anything negative, especially when it's about something na pinerform niya onstage kasi makaka-affect 'yon," sabi ni Gabrielle.
"You should have a strong heart," dagdag niya.
Ayon pa sa dalaga, masaya siyang makapasok sa Top 20 sa isang "tough" na laban, at nawa ay naipagmalaki pa rin siya ng mga Pilipino.
Sa format ng patimpalak, isang kinatawan lang mula sa bawat kontinente ang makauusad sa huling yugto.