
Aminado ang aktres na si Andi Eigenmann na talagang proud siya sa muling pagsabak ng asawang si Philmar Alipaya sa isang surfing competition na 26th Siargao International Surfing Cup kamakailan.
Kasi naman, talaga namang 100 percent ang ibinigay na suporta ng aktres at celebrity mom sa kanyang fiancé. Makikita ito sa mga Instagram post niya nitong mga nakaraang araw.
Pinasalamatan din ni Andi ang lahat ng mga sumuporta sa laban ni Philmar sa 26th Siargao International Surfing Cup kalakip ang sweet messagr niya para sa pinakamamahal na asawa.
"Congrats on an amazing performance all through out the 26th Siargao International Surfing Cup, and for making it until the semifinals! I hope this a good way to get you to keep believing in yourself!
Because you still got this! You are an inspiration to many and I am sooo proud of you mahal ko," sabi ni Andi.
Nagpapasalamat naman si Philmar kay Andi sa walang sawang pagsuporta nito sa lahat ng mga ginagawa niya sa buhay, kabilang na riyan ang pagse-surf at dagdag niya, talagang nakasama niya sa kanyang journey si Andi sa kabuuan ng pagsali niya sa 26th Siargao International Surfing Cup.
Ibinahagi ni Philmar sa IG ang mga litrato na kuha habang nagse-surf siya sa karagaran ng Siargao Island at nilagyan ng caption na, "Ona sa tanan gusto ko mag pasalamat sa ako asawa na way undang na support dako! Love you mahal ko @andieigengirl. (Una sa lahat, gusto kong pasalamatan ang asawa ko sa pagsuporta niya sa akin)."
Marami ang humahanga sa pagiging hands-on misis at nanay ni Andi, lalo na noong iwan niya ang mundo ng showbiz para mamuhay ng normal sa isla ng Siargao kasama ang pamilya.
Kamakailan, natupad din nina Andi at Philmar ang matagal na nilang pangarap na magkaroon ng sariling business sa Siargao. Nakapagpatayo na sila roon ng Kanaway Surf School at Kanaway Snack Bar.