Sunday, 12 July 2026
Nasdaq +0.29%
Subscribe NowSupport Us

Daily TribuneDaily TribuneDaily Tribune

Daily TribuneDaily TribuneDaily Tribune
Subscribe
Sunday, 12 July 2026
Nasdaq +0.29%
  • News
  • Commentary
  • Business
  • Life
  • Show
  • Sports
  • Global Goals
Partner feature
Daily TribuneDaily Tribune

The Philippines' leading digital newspaper.

News
  • Headlines
  • Page three
  • Metro
  • Nation
  • Dyaryo Tirada
  • Obituary (Remember Me)
Commentary
  • Columnists
  • Opinion
  • Editorial
  • Scuttlebutt
  • Letter to the Editor
Business
  • Shipping
  • Portraits
  • Pep
  • Business Advisories
  • Technology (Tech Talks)
Life
  • Show
  • Food & Drink
  • Getaways
  • Arts & Culture
  • Social Set
  • Spaces
  • Fashion & Beauty
  • The Edit
  • Top Form
  • Next Gen
  • Sacred Space
  • Project Larawan
  • Snaps
Sports
  • Hoops
  • Volley
  • Golf
  • Goal
  • Boxing
  • Tennis
  • Esports
  • Blast

Company

  • About
  • Contact
  • Advertise
  • Privacy
  • Subscribe
  • Support Us

© 2026 Daily Tribune · tribune.net.ph · Powered by Quintype

DYARYO TIRADA

HINDI PA TAPOS ANG KASO! – AZURIN

KE

Kitoy Esguerra·25 October 2022, 5:55 am

Text size

Share

HINDI PA TAPOS ANG KASO! – AZURIN
Partner feature

Share

Google Preferred Sources

Get more Daily Tribune stories in your search results

Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.

Add to Google
Partner feature
Partner feature

Hindi pa umano tuluyang sarado ang kaso ng pagpatay sa radio broadcaster na si Percival Mabasa o Percy Lapid, ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Police General Rodolfo Azurin Jr. taliwas sa naunang pahayag ni Southern Police District (SPD) director Police Brigadier General Kirby John Kraft, na lutas na ang kaso pero tuloy ang imbestigasyon.

Ayon kay Azurin, hindi pa maituturing lutas ang kaso dahil hindi pa nalalaman ng mga nag-iimbestiga kung saan nanggaling ang utos na patayin si Lapid.

"Hindi pa natin masasabi na solved na, although, we have filed the cases already initially against kay Mr. (Joel) Escorial and 'yung mga kasamahan niya," sabi ni Azurin. "Because we have yet to determine nga saan nanggaling, kung totoong may mastermind, saan ba nanggaling 'yung utos."

Kung matatandaan, naunang sinabi ni Kraft na lutas na ang kaso dahil may nahuli nang suspek pero patuloy pa ang imbestigasyon. Ang SPD ang nakasasakop sa Las Piñas City kung saan pinaslang si Lapid noong October 3.

"Actually, nalutas na po natin ito dahil meron na tayong na-identify na mga suspek at meron na rin tayong nasa kustodiya natin, at higit sa lahat, na-file na natin ang kaso. Ito nga lang po, tinutuloy-tuloy pa rin natin ang imbestigasyon nito," saad ni Kraft sa isang naunang pahayag.

Pero giit ng PNP chief, kailangang malaman ng mga awtoridad kung mayroon pang mga sangkot sa pagpaslang kay Lapid, at kung kinontak lang ng hinihinalang mastermind sa krimen, ang sinasabing "middlemen" na namatay sa New Bilibid Prison.

Nitong nakaraan ay naging laman ng mga balita ang pagsuko ng self-confessed gunman na si Escorial noong October 18. Ito rin ang araw na namatay umano ang itinuro nitong middleman na nakakulong na nakilala kinalaunan na si Cristito Villamor.

Bukod kay Villamor, pinangalanan din ni Escorial ang mga kasabwat niya sa pagpatay kay Lapid si Christopher Bacoto, na isa pa umanong middleman na nakakulong din at ang mga hinahanap pa na magkapatid na Edmon at Israel Dimaculangan, at isang Orlando o Orly.

Lumalabas na nagkaroon ng hemorrhage o pagdurugo sa puso ang middleman, ayon sa isinagawang autopsy ng National Bureau of Investigation (NBI).

Suggested Articles

35 turista, stranded sa Batanes dahil sa malakas na hangin ni Inday
DYARYO TIRADA

35 turista, stranded sa Batanes dahil sa malakas na hangin ni Inday

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Abegail Esquierda·11 July 2026

Marcoleta, hindi pa maililipat sa kulungan dahil sa mga karamdaman
DYARYO TIRADA

Marcoleta, hindi pa maililipat sa kulungan dahil sa mga karamdaman

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Louisse Kalingag·10 July 2026

Eala, sasaglit sa bansa para sa fan meet
DYARYO TIRADA

Eala, sasaglit sa bansa para sa fan meet

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Louisse Kalingag·10 July 2026

PBBM, bantay-sarado kay 'Inday'
DYARYO TIRADA

PBBM, bantay-sarado kay 'Inday'

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Louisse Kalingag·10 July 2026

Kiko Barzaga, naniniwalang mauuwi sa acquittal ang impeachment case ni VP Sara
DYARYO TIRADA

Kiko Barzaga, naniniwalang mauuwi sa acquittal ang impeachment case ni VP Sara

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Abegail Esquierda·9 July 2026

Benhur Abalos, itinalaga bilang CabSec
DYARYO TIRADA

Benhur Abalos, itinalaga bilang CabSec

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…

Louisse Kalingag·9 July 2026