Janella Salvador, kasama ang ex

Kumalat sa social media ang mga larawan ng binyag ng anak ng aktres na si Janella Salvador na si Baby Jude at makikita rito na finally ay nakitang magkasama ang aktres at ang ex niyang si Markus Paterson.
Sa mga larawan sa social media na ipinost ng mommy ni Janella na si Jenine Desiderio sa kanyang Instagram, sa Santuario de San Antonio sa Forbes Park ginanap ang binyag ni Baby Jude at itinulog naman ang party sa ibang venue.
Nakakatuwang makitang magkasama ang magulang ni Baby Jude lalo't nasa iisang frame sila at magandang memories ito para sa bata habang lumalaki siya na nakitang kumpleto silang tatlo.
Ang caption ni Jenine sa mga larawang ipinost niya sa IG, "Welcome to the Christian World, @judetrevorpaterson & Happy 2nd birthday!"
