SUBSCRIBE NOW

Jillian Ward, believable sa role

Jillian Ward,  believable sa role
Published on

Maraming netizens ang nagsasabing talagang convincing ang pagganap ng aktres na si Jillian Ward bilang isang doktor sa medical drama na Abot Kamay Na Pangarap ng GMA Network.

At dahil umano rito, ilang sikat na content creators at mga real-life doctors ang mapapanood na rin sa hit medical drama at matutunghayan sa series si Dr. Alvin Francisco, isang radiologist na may more than 660,000 followers sa Facebook, 513,000 subscribers sa YouTube, at 300,000 followers sa TikTok.

Mapapanood din umano si Dr. Kilimanjaro Tiwaquen, isang physician na may 4.3M followers sa TikTok at 3.3M followers sa Facebook.

Nitong nakaraan ay nag-post ang dalawang doktor sa kani-kanilang social media accounts ng selfies kasama ang cast ng programa kabilang ang bidang si Jillian, who is playing as Dra. Analyn Santos.

Ano kaya ang magiging papel nila sa buhay ng youngest doctor sa bansa? Sila ba ay magiging kaaway o kakampi ni Dra. Analyn?

Samantala, talagang marami ang sumusubaybay sa inspiring na kwento ng mag-inang sina Lyneth (Carmina Villarroel) at Analyn dahil mayroon nang 513M views on TikTok ang serye! Mula October 10-17, nananatili rin itong No. 1 Kapuso show sa YouTube with more than 20M views habang more than 300,000 views naman sa website ng GMA Network.

Ang Abot Kamay Na Pangarap ay napapanood Lunes hanggang Sabado, 2:30 PM, sa GMA Afternoon Prime.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph