Angela Morena, actress-material

Angela Morena, actress-material
Published on

Kahit naunang makilala ang Vivamax bombshell na si Angela Morena sa kanyang daring roles at paghuhubad sa harap ng kamera, napatunayan na ngayon ng dalaga ang kanyang mga kayang gawin at puwede na rin siyang tawaging "actress."

Sa bagong offering ng Vivamax na "Tubero" kung saan nagbida ang dalaga, maraming mga nakapanood sa private screening ang nagsabing talagang may mararating si Angela pagdating sa aktingan.

Puwede na umanong maging dramatic actress si Angela dahil sa naging performance niya sa pelikula.

Umiikot ang kuwento ng bagong Vivamax Original Movie tungkol sa pag-ibig, loyalty, passion, sex, at kung paanong hindi bumitaw sa isang relasyon ano pa man ang pagdaanan.

Nang tanungin si Angela kung kaya niyang gawin sa totoong buhay ang ginawa ng kanyang karakter sa pelikula, sinabi ng dalaga na baka hindi niya ito kayang gawin.

"You mean, get a mentor to teach me how to give pleasure to my partner? No, kasi it's cheating pa rin. Kung nagkakaintindihan naman kayo ng partner mo, you can just work it out by yourselves," sabi ni Angela.

May mga love scenes dito si Angela with Vince at sa baguhang aktor na si JC Tan na ilang beses nagpakita ng kanyang pwet. Tiyak na pag-uusapan din ng mga Vivamax subscribers ang "SOP" (sex on phone) nina Angela at Vince kung saan pinaligaya nila nang bonggang-bongga ang kanilang mga sarili.

Kasama rin sa movie sina Alona Navarro at Jem Milton na may mahahalaga ring papel sa unang pagsabak ni Direk Topel sa sex-drama.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph