
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…
Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Wasak ang ulo ng isang dalagitang natagpuang wala nang buhay sa isang kakahuyan na hinihinalang ginahasa muna bago pinatay ng kanyang kapitbahay sa Claveria, Masbate, nitong Miyerkules.
Sa ulat ng Claveria Municipal Police Station, ay dakong alas-7:00 ng umaga nang matagpuan ang labi ng biktimang itinago sa pangalang Lena, 15 anyos, sa may kakahuyan na ilang metro ang layo sa bahay nito sa Brgy. Cawayan, Claveria, Masbate.
Agad namang naaresto sa isinagawang follow-up operation ng pulisya ang sinasabing suspek na hindi na rin muna papangalanan ng mga awtoridad.
Base sa salaysay ng lolo at lola ng biktima, ay umaga umano noong Linggo nang nagpaalam ang biktima na kukuha ng kahoy para gamitin bilang panggatong sa pagluluto.
Ngunit lumipas na ang hanggang gabi ay hindi pa rin nakakabalik sa kanilang bahay ang biktima dahilan upang lubha silang magalala.
Agad nilang ipinagalam sa pulisya na nawawala ang biktima, at makalipas nga ng ilang araw, ay natagpuan na lamang ang mga labi ng biktima sa kakahuyan at pinaniniwalaan ginahasa dahil sa kalagayan ng katawan.
Posible umanong matapos magahasa ay saka pinatay ang dalagita sa pamamagitan ng pagpalo sa kanyang ulo.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang pagsisiyasat ng pulisya sa nasabing insidente.