
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Inihayag ng Department of Health (DoH) na tumaas nang halos apat na beses ang kaso ng cholera sa Pilipinas sa loob ng 10 buwan kompara sa kabuuan ng nakaraang taon at dagdag nito, mula Enero hanggang sa kasalukuyan ay nakapagtala ang Health department ng 3,729 kaso ng cholera sa Pilipinas kompara sa 976 kaso noong 2021.
Ayon sa DoH, umabot na rin sa 33 ang namamatay sa Pilipinas dahil sa cholera ngayong taon at sa nakalipas lang na tatlong buwan o mula Hulyo hanggang Setyembre, hindi bababa sa 14 ang naitala ng DoH na pumanaw bunsod ng sakit.
"Kapag hindi naagapan, nagkakaroon ng severe dehydration ang mga pasyente lalong-lalo na kung ang pasyenteng may cholera ay immunocompromised o vulnerable sila," saad ni DoH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.
"'Yong mga bata less than 5 years old o 'di kaya kapag tinamaan ang matanda, mas mataas ang risk or probability of dying from cholera," dagdag pa niya.
Ang Central Luzon, Western Visayas at Eastern Visayas ang mga lugar na sinasabing lumagpas na sa epidemic threshold o average na bilang ng mga kaso sa nakalipas na limang taon.
Ayon sa Eastern Visayas Center for Health Development, umabot sa lagpas 3,572 ang suspected cases ng cholera sa rehiyon, pero 37 pa lang umano ang nakukumpirma ng Research Institute for Tropical Medicine.
Gumaling na anila ang lahat ng mga kaso.
Isinisisi naman ng local health officials sa kakulangan ng kalinisan sa komunidad ang problema sa rehiyon.
"Walang access to safe water and toilets. Very poor sanitation and hygiene," saad ni Dr. Ludina Isigne, medical officer ng Eastern Visayas Center for Health Development. "Some parts of Samar, binabaha sila. So kung walang magandang source of water tapos bumaha, affected 'yon."
Sa kabila nito, hindi naman nakikita ng DoH na kailangan pang ideklara ng mga lokal na pamahalaan ang outbreak ng cholera.
Una nang sinabi ng World Health Organization na nakababahala ang pagdami ng bansang nakakapagtala ng cholera outbreak sa nakalipas na taon.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…