
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Sa halip na ini-enjoy na lamang ang nalalabing buhay dahil sa pagiging senior citizen, ay sa kulungan pa ang bagsak ngayon ng isang matandang lalaki matapos na mag-amok at habulin ng saksak ang kanyang kapitbahay at rumespondeng barangay tanod sa Marilao, Bulacan, nitong Lunes.
Sa ulat ng Marilao Police, ay kinilala ang suspek na si Joselito de Dios, 64, habang ang biktima naman na kanyang kapitbahay, ay si Jayson Del Rosario, 35, bet taker, na mga residente ng Brgy. Abangan Sur.
Dakong alas – 9:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa Sandico Street.
Sa hindi pa nalalamang dahilan ay bigla na lamang umanong hinamon ng suntukan ng suspek ang kapitbahay na hindi naman pinalagan ng biktima at ipinasa walang bahala na lamang ang matanda.
Hindi naman nagustuhan ng suspek ang hindi pagpansin sa kanya ng biktima dahilan upang bumunot ito ng kutsilyo at habulin ng saksak si Del Rosario na mabuti nalamang at mabilis tumakbo at naiwan ang suspek.
Agad na humingi ng saklolo sa kanilang barangay ang biktima kung saan ay mabilis ding rumesponde sina BT Arnaldo Cruz at BT Macario Gatchalian.
Ngunit sa halip na magpa-awat na ay binubutan din ng suspek ng kutsilyo si BT Cruz at inundayan ito ngunit mabilis na nailagan nito.
Doon na dinamba ni BT Gatchalian ang suspek na mabilis ding nadakma ni Cruz na nauwi sa tuluyan nitong pagkakadakip.
Sa ngayon ay nahaharap ang suspek sa kasong Attempted Homicide at Direct Assault na agad ding nai-turn over sa Marilao Police Station.