Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) nitong Lunes na tuloy na ang full operations ng pag-imprenta ng mga balota sa National Printing Office para sa Barangay at SK Elections.
Ito ay sa kabila nang pangambang hindi matutuloy ngayong taon ang eleksyon dahil sa ngayon ay lagda na lang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang hinihintay para sa panukalang inaprubahan ng dalawang sangay ng Kongreso na iurong ang eleksyon sa huling Lunes ng Oktubre 2023, imbes na sa darating na Disyembre.
Sinabi ni Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, ipinangako ng poll body na makakapag-imprenta sila ng 92 million na balota sa loob ng 30 araw.
"We committed to deliver almost 92 million ballots in 30 days or so nakapag print na tayo ng test ballots. We can proceed to the full swing of all the 92 million ballots," sabi ni Laudiangco.
Dagdag pa niya, kaya nilang mag-imprenta ng tatlong milyong balota sa loob ng isang araw sa tatlo nilang printing machine. Ang isang makina ay kaya umanong mag-imprenta ng isang milyong balota kada araw.
"With this full swing we intend to optimize 1 million ballots per printer per day. All-in-all kayang kaya natin 3 million ballots per day," saad ni Laudiangco.
May mga pagsubok din silang nakikita tulad ng COVID-19 na pinaghandaan na rin umano nila kaya kumuha na ang Comelec ng mga karagdagang tauhan para rito.
"Ngayon, marami kami hinire so anybody at anytime pwedeng mag-replace, walang ine-expect na breakdown," dagdag pa niya.
Kabilang din sa inaasahang pagsubok ay ang pag-aayos ng makina sakaling magkaaberya ito.
"Yung regular servicing ng machine. Pagse-servicing unless major, normally 1 hour lang if minor," dagdag ni Laudiangco.
Handa rin umano silang mag-overtime o mag 24/7 duty kung kinakailangan base sa kanilang assessment.
"Hindi naman po necessarily 24/7, kasi yung 3 hours overtime kaya optimize 1 million ballot too," sabi ni Laudiangco.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…