
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…
Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Patay ang isang matandang lalaki habang malubahang sugatan ang isang pulis matapos magbarilan sa Guinayangan, Quezon, nitong Sabado.
Sa ulat ng Guinayangan Police, kinilala ang nasawing si Edgardo Relado, 66, ng Brgy. Gapas, Guinayangan, Quezon habang patuloy namang sinusubukang lunasan sa ospital ang pulis na kinilalang si PSMs. Randel Pulutan, 51, residente ng San Pablo City, Laguna, naka-assigned sa Regional Health Unit ng PRO-4A sa Camp Vicente Lim, Calamba City.
Alas-8:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa nasabing lugar, napagalamang, umiinom umano ng alak sa terrace ng bahay ng kainuman si Pulutan sa nang biglang dumating si Relado.
Sandali lang nang nakarinig na lamang ng sunud-sunod na putok ng baril ang mga residente kaya agad nilang inusisa kung anong nangyayari.
Doon na nila nakita si Relado na wala ng buhay at nakabulagtang naliligo sa sariling dugo dahil sa tama ng bala sa kanyang dibdib, habang si Pulutan naman ay tinamaan din sa katawan na kasalukuyang inoibserbahan ang kalagayan.
Agad namang nakaresponde ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) PNP-Quezon kung saan ay narecover sa lugar ang dalawang .45 caliber na baril at apat na mga basyo.
Ayon sa mga residente ay posible umanong nah-dwelo ang dalawa na napagalaman ding matagal nang may alitan.