
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Nagdulot ng iba't ibang mga opinyon ang pagkakapanalo ng nasa 433 katao na tumama sa Grand Lotto draw nitong Sabado kung saan paghahatian na ng mga ito ang premyong aabot sa P236 milyon.
Kasi naman, mukhang imposible umano ang nangyari na umabot sa lampas 400 katao ang nanalo dahil ang probability umano na tumama ka sa lotto ay halos 1 in 29 million para sa anim na numerong kombinasyon.
Ayon naman sa ilan, bagama't improbable ay hindi umano "impossible" ang nangyari, lalo na kung ang lahat ng tumaya ay gumamit ng lucky pick o yung hinayaan nila ang lotto machine na pumili ng numero para sa kanila.
Magkagayunman, ang panalo ay panalo, kaya naman dumagsa na nitong Lunes sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PSCO) ang ilang mananaya na kabilang sa 433 na nanalo sa Grand Lotto 6/55 draw.
Sa Facebook post ng PCSO, sinabing tinatayang P500,000 ang maiuuwi ng bawat nanalo at sa iba pang post, makikita ang larawan ng mga kumubra at ang kanilang mga winning ticket.
Sa bola ng 6/55 lottery noong Sabado, October 1, lumabas ang winning number combination na 09-45-36-27-18-54 at ayon pa sa PCSO, mula Metro Manila hanggang sa Zamboanga ang mga nanalo, na tumaya sa lucky number nine at sa multiples nito.
Iginiit ni PCSO General Manager Melquiades Robles na walang iregularidad sa dami ng mga tumama sa naturang draw.
Pero si Senate Minority Leader Aquilino "Koko" Pimentel III, hinihiling sa Senado na imbestigahan ang pangyayari.
Sa ganang amin, maganda na ring busisiin kung ano ba talaga ang mga nangyari sa likod ng insidente, dahil ang lotto ay state-sanctioned gambling – ibig sabihin, gobyerno ang nagpapatakbo nito.
At kung magkakaroon nga ng iregularidad, sa gobyerno pa rin magre-reflect ang mangyayari at mawawalan na ng tiwala ang sambayanan sa pamahalaan.
Integridad na ang pinag-uusapan dito, kaya sana ay busisiin nila itong mabuti.