Angela Morena, napaiyak

First time na magkakaroon ng solo project sa Vivamax ang sexy star na si Angela Morena at bibida nga siya sa bagong offering nitong pelikula na "Tubero" na sex-drama ang tema sa direksyon ni Topel Lee at collaboration ng APT Entertainment at Viva Films.
Makakasama ni Angela rito sina Vince Rillon at JC Tan at ipapalabas ito sa October 21 sa Vivamax.
Ayon sa dalaga, nakakarelate siya sa karakter na ginampanan niya sa pelikula.
"This is my first film na drama-erotic and thankful ako sa Viva at sa APT Entertainment na akong kinuha nila for the role of Paula. Salamat sa tiwala nila at ni Direk Topel Lee. Sobra akong na-immerse sa character ni Paula dahil kahit tapos na ang shoot, hindi ko pa rin mabitiwan yung role at hanggang pag-uwi, umiiyak ako," pag-amin ng dalaga.
"Feel na feel ko 'yung character ko kasi writer siya and professor pa. Feel ko rin 'yung pagiging vulnerable ni Paula na pagdating sa love, ibibigay ang lahat. Pero doon sa sex scenes, hindi ako nakaka-relate. Hindi ko rin kayang gawin 'yung ginawa ni Paula na just to save yourself with your partner, makikipag-sex ka sa iba," sabi ni Angela.
"Una, dapat 100 percent na open kayo ng partner mo. May trust kayo sa isa't isa para maging more satisfying ang relationship nyo in bed. Dito, parang nangaliwa si Paula kay Logan dahil sa ginawa nila ni Gimo," dagdag pa niya.
Nang tanungin kung mapapatawad pa niya ang kanyang partner kapag niloko siya o iiwan na niya ito, sinabi ng dalaga na hindi niya masasabi at magiging depende ito sa sitwasyon.
"I cannot tell. Mahirap magsalita nang patapos dahil hindi ko pa yan na-experience. But I don't think I deserve being cheated. Siguro, mag-usap din muna kayo para malaman kung bakit siya nangaliwa, ano ang reason bakit niya nagawa yun sa 'yo," sabi ni Angela.
Inamin rin ng dalaga na mas mahalaga sa kanya ang pag-ibig kaysa sex.
"For me, it's not really a big deal. Mas importante sa akin ang love kaysa sa sex lang. Puwede n'yo namang i-work out 'yung tungkol sa sex para malaman n'yo what will please each other," sabi ng dalaga.
