
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…
Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Limang mga kababaihan ang nailigtas ng pulisya mula sa tatlong katao na umano'y sangkot sa human trafficking sa magkahiwalay na entrapment operation ng District Special Operations Unit at District Women and Children Concern Section nitong Sabado ng gabi hanggang Linggo ng madaling araw.
Sa ulat ni QCPD Director PBGen. Nicolas Torre III, ay unang naaresto ang isang Wendel Balangatan, 38 anyos, residente ng Novaliches, matapkos na nakatanggap ng tip na nagsasagawa umano ng online booking ito ng mga babae.
Mabilis namang nagkasa ng operasyon ang DSOU kung saan kunwaring nagpa-book sila ng dalawang babae sa halagang P6,500.00.
Alas -10:30 ng gabi nang magtungo ang pulisya kasama ang DWCCS sa napagkasunduang lugar sa harap ng Verjandel Hotel na matatagpuan sa Kalayaan Ave., Brgy. Teachers Village West, upnag katagpuin ang bihaw at dalawang order na babae.
At nang magkabayaran na nga ay doon nila dinamba si Balangatan saka sinagip ang dalawang babae.
Matapos noon ay muling nakatanggap ng tawag ang DSOU mula sa isang concerned citizen sa kasalukuyang pambubugaw ng mga babae sa kahabaan ng Quezon Ave. Corner Dr. Garcia Sr St., Brgy. Paligsahan.
Muli, ganap na alas – 1:25 ng madaling araw ng Linggo, ay nagsagawang muli ng entrapment operation ang mga awtoridad kung saan ay naaresto sina Cindy Salen, 47 at Florita Vera, 60, kung saan tatlo pang kababaihan ang nailigtas.
Kasong paglabag sa RA 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 at RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004, ang kinakaharap ngayon ng mga naarestong suspek.