Mikee Quintos, maraming pinagdaanan

Aminado ang aktres at singer na si Mikee Quintos na marami siyang pinagdaanan lalo na pagdating sa kanyang boyfriend na si Paul Salas.
Sa kanyang vlog, ibinahagi ng dalaga na hindi pala boto noon ang pamilya niya kay Paul at naging challenging para sa kanila ang pagsisimula ng kanilang love story dahil nga halos lahat ng miyembro ng kanyang pamilya ay hindi pabor sa binata bilang boyfriend niya.
"Magiging honest ako. Nahirapan talaga si Paul nu'ng una kasi nu'ng start ng relationship, lahat hindi boto sa kanya," sabi ng dalaga.
Nauna rito, inamin ng magdyowa na nagkakaroon din sila ng tampuhan at hindi pagkakaintindihan pero they make sure na napag-uusapan nila ang kanilang mga problema.
"I think it's normal for every couple to argue, but we realized na mas mahirap if may side na hindi napapakinggan. Ever since, we try to make sure that we don't get too emotional when we're trying to fix something and focus on hearing each other out all the time and running away from the argument is never a choice," sabi ni Mikee.
