
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Hindi na maikakailang tumataas na naman ang mga naitatalang kaso ng coronavirus disease sa bansa dahil nitong nakaraan lamang ay pumalo na sa 15.2 percent ang positivity rate sa bansa na tatlong beses na mas mataas kaysa sa five percent benchmark na itinalaga ng World Health Organization (WHO).
May ilang nagsasabi na bunsod ito ng pagpapatupad ng voluntary mask-wearing sa mga open spaces, pero may ilan din naman ang nagsasabi na dahil ito sa paghina nang unang mga doses ng bakuna noong nakaraang dalawang taon.
Ilang mga health experts ang nananawagan ngayon sa publiko na magsuot pa rin ng masks kahit nasa mga open spaces dahil hindi maiiwasan na kumalat pa rin ang COVID-19 virus.
"I'm hopeful that the surge in cases will go down eventually. But it would also really [require] that as individuals, we realize that what we do as citizens is more important than any government program in the fight against COVID," saad ni Prof. Ranjit Rye.
"That means being vigilant, that means considering wearing of the mask during times of high positivity," dagdag niya.
Hirit pa niya, importante pa rin umano ang pagsusuot ng mask lalo na kapag sasakay sa mga public utility vehicles.
"They're actually quite necessary now especially that we have a new ruling on public transportation. We have public transportation where more people can come in. These are situations where we need to wear a mask – the high-risk situation… The risk of getting sick is quite high," sabi ni Rye.
"We are not where we're supposed to be there yet as a country in terms of immunity. We still need to sustain this booster program," dagdag pa niya.
Base sa datos ng Department of Health, nasa 73 milyong katao na ang fully vaccinated laban sa COVID-19.
Hindi naman siguro masama kung magsusuot pa rin tayo ng masks lalo na kapag nasa labas ng bahay.
Wala na rin naman sigurong mawawala kung magsusuot pa rin ng mask, dahil isa ito sa pinakamabisang proteksyon laban sa COVID-19.
Kaya ang panawagan ngayon ay sana magsuot pa rin ng mga mask ang sambayanan.