
Mukhang boto ang parents ng aktor na si Mavy Legaspi na sina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi sa aktres na si Kyline Alcantara at ganoon din naman ang pamilya ng dalaga sa aktor.
Tanggap na tanggap na rin ng mga fans ang relasyon ng kanilang mga idol kaya naman marami ang nagre-request na sana'y mabigyan na ng launching project sa GMA 7 ang magka-loveteam.
Ayon kay Mavy, talagang naging matindi ang 'tama' niya kay Kyline.
"The first time na na-realize ko na hindi lang kaibigan si Kyline para sa'kin is 'yung nagiging close na tayo (Kyline) sa AOS (All Out Sundays). Umalis na si Cassy (Legaspi, kakambal niya) para mag-prep for First Lady and all that. Tayo na lang naging close kasi umalis na si Migo nangibang bansa. Tapos there was a time na kami ni Ky, medyo awkward nu'ng una kasi galing tayo sa apat, eh," sabi ni Mavy.
"After that mas nagiging close and all that tapos siyempre nag ha-heart to heart [talk] na. You (Kyline) always open up to me about everything. As in everything. And during those times mas na-realize ko na 'Shocks, I really want to protect this girl,' iba na talaga 'yung feeling. Hindi 'yung protect her as my friend. But iba na 'yung pagmamahal ko sa kanya na I don't want anyone to ever hurt her again," dagdag niya.
"Kapag may mga issue ka, nahe-hurt din ako, two times, three times for you. If you're going through something, nahe-hurt din ako. Doon ko na-realize na shocks, iba na talaga 'yung feeling na 'yun," sabi pa ng aktor.