

Nagpakatotoo ang aktres na si Kathryn Bernardo at boyfriend niyang si Daniel Padilla tungkol sa mga pagkakataong nagkakainisan sila at gusto nilang mapag-isa at ayon sa dalawa, talagang inaalam muna nila ang mood ng isa't isa lalo na kapag lock-in taping.
"Ako, ito matagal ko na alam, pero napapatunayan ko lalo sa lock-in. Pag si Deej, kailangan namin parati tantyahin yung mood ng isa't isa especially sa umaga. Kunwari, first scene bumubuwelo pa. Kailangan niyo intindihin yung isa't isa kasi walang iba makakaintindi. So, kailangan may isang mag-a-adjust. Kung nakikita mo masama yung gising or ako yung masama yung gising, siya yung magba-balance. Alam mo yung kailangan mo nun," sabi ni Kathryn.
"Kasi kung pareho kami masama gising, boom! Wala. Walang makukunan for that day," dagdag niya. "So kailangan matuto. Hindi joke yung lock-in, ha? Nakakabaliw siya mentally and napaka-draining."
Si Daniel naman, sinabing hindi niya maiwasang may mood swings siya dahil sa adjustment sa taping bubble.
"Everything that's routine, you'd go crazy. Paulit-ulit na lang. You get tired, every time, every day, it's the same thing. Parang nakakapagod yung ganun. Ganun sa lock-in," sabi ni Daniel. "Pero it's okay, nasa safety din ng lahat iyon. Mas mabuti rin mas marami kayong natatapos, and ABS-CBN provides us with a beautiful hotel. Lahat binibigay sa amin."