
Todo-todong pag-iingat ang ginagawa ngayon ng aktres na si Jessy Mendiola lalo na nang tamaan siya ng COVID-19 nitong nakaraan lamang at iniisip rin niya ang kalagayan niya at ng magiging anak nila ni Luis Manzano.
Sa kanyang pinakabagong vlog, nagbahagi siya ng ilang detalye sa kanyang sitwasyon matapos tamaan ng COVID-19 pati na rin ng kalagayan ng panganay nila ni Luis na si Baby Peanut.
Ayon kay Jessy, maayos na ang kalagayan niya ngayon at ng kanyang ipinagbubuntis at sa kabila nga ng paniniyak ng mga doktor, nagdesisyon pa rin siya na magpa-ultrasound para matiyak na walang problema sa magiging baby nila ni Luis.
"Peanut is okay. Peanut is normal, even after my COVID infection. We're just really grateful kasi si Peanut, strong si Peanut. Normal ang growth niya, normal ang weight niya," sabi ni Jessy.
Supportive naman si Luis sa kanya at lagi siyang sinasamahan sa pagpapa-check-up sa doktor at kitang-kita sa reaksyon ng TV host-actor ang kaligayahan nang malamang super healthy naman ang sanggol sa tummy ni Jessy.
Samantala, nabanggit din ni Jessy na pinaplano nila ni Luis na lumipat sa bagong bahay kung saan mas safe at secured ang kapaligiran para na rin sa kaligtasan ni Baby Peanut.
"Lilipat kami sa bahay na mas safe para sa magiging baby namin. Hindi siya magiging high ceiling, tapos yung stairs niya safer hindi spiral staircase," sabi ni Jessy.
Tatlong buwan na lang at manganganak na si Jessy at talaga namang super excited na sila ni Luis na maging hands-on parents. Pati nga ang mga magulang nila ay looking forward na ring maging lolo at lola.