
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…
Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Kritikal ang isang empleyado ng Department of Social Welfare Development (DSWD)-Isabela matapos na pagbabarilin ng isang barangay chairman sa Brgy.Payac, Jones, nitong Biyernes.
Kinilala ng Jones Police ang biktimang si Emerson Mallabo, 30, DSWD employee ng bayan ng Jones.
Sa salaysay ng mga nakasaksi sa insidente, ay pinuntahan ng biktima ang suspek na si Brgy. Chairman Agustin Matterig Labuguen, na kasalukuyang nasa bahay ni Barangay Kagawad Narciso Viernes Jr., upang ibigay ang dalang dokumento, na hindi pa malinaw kung para saan.
Sa gitna ng paguusap ang biktima at suspek, ay bigla lamang umanong nagtatalo ang mga ito hanggang sa naglabas na ng baril ang kapitan saka pinaulanan ng bala ang biktima.
Mabilis ding na naisugod sa Southern Isabela Medical Center ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan, at kasalukuyan pa ring nakaratay.
Agad namang nakatakas ang kapitan matapos nag insidente, na kasalukuyan na ring tinutugis ng pulisya.