
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Isang dating pulis ang inaresto ng kanyang mga kabaro matapos na mahuli sa isinagawang buy bust operation nitong Linggo sa Bato, Camarines Sur.
Sa ulat ni PBGen. Warren De Leon, acting director ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group Luzon Field Unit Team 5, nadakip ang suspek na si PCpl. Richelle Magalona Mata ng Brgy. San Rafael.
Narecover kay Mata ang tatlong pirasong pakete na naglalaman ng shabu na nasa 13 gramo na may street value na P88,400 at buy-bust money.
Napag-alaman ding kabilang si Mata Counterintelligence Watchlist ng Camarines Sur Police Provincial Office, Police Regional Office 5.
Natanggal umano sa serbisyo ang suspek matapos na mag-AWOL, taon 2019, nang magpositibo umano ito sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot sa isinagawang surprise drug test examination ng Camarines Sur PPO, PRO5 sa lahat ng tauhan ng PNP.
At sa halip na magbago na ito ang kanyang paggamit ay lalo pa itong lumala, ang dating iserlang ay kalauna'y naging drug pusher na rin sa Bato, Naga City Camarines Sur at ga karating na bayan.
Kasalukuyang nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.