
Hindi inatrasan ng aktres na si Barbie Imperial ang mga bumabash sa kanya sa social media lalo na sa pinakabagong vlog niya na inilabas nitong nakaraan lamang.
Isa-isang sinagot ng dalaga ang mga isyu ng mga haters sa kanya — mula sa mga dati niyang mga nakarelasyon, showbiz career, pananamit at panghuhusga sa kanyang pagkatao at ugali.
May isang netizen ang nag-comment na dapat ay hindi na nagpopost ng naka-bikining mga larawan sa kanyang social media account dahil nababastos lang umano siya.
Pero matapang ang naging sagot ng aktres.
"Wala kang pakialam kung anong gusto kong suotin, okay? Kasi hindi naman ikaw bumili nung swimsuit ko, at hindi rin naman ikaw nag-picture sa akin. Second, kahit anong suot ng babae, hindi dapat binabastos 'yung babae. For me, kung sexy 'yung pananamit ko, hindi naman n'un dine-define 'yung pagkatao ko," sabi ng dalaga.
Sinagot din ng dalaga ang hirit ng basher, "'Di maka-move on si Barbie. Hahaha. Paano, wala nang lalaki seseryoso sa kanya. Laspag na kasi."
"Grabe naman maka-laspag, teh. Gusto kong magsabi ng masasamang words pero….First of all hindi naman ako laspag. Hello! Hindi ako laspag and I'm proud to say that," sagot niya.
Ito naman ang sagot ni Barbie sa tumawag sa kanya ng malandi.
"Malandi talaga ako sa isang tao kapag in a relationship ako. Nilalandi ko talaga nang sobra 'yung boyfriend ko. Pero hindi ako malandi. As in proud talaga po ako sabihin na hindi ako 'yung babae na kerengkeng agad agad. Hindi ako ganu'n," saad ng aktres.
Ipinagdiinan ni Barbie na kahit sanay na siya sa panglalait at pangbabastos ng netizens ay may pagkakataon pa rin na naaapektuhan siya.
"To be honest, tao lang din naman. Medyo nakakaapekto rin siya ng mood. But ako kasi, I make sure na hindi pumapasok sa utak ko lahat ng sinasabi ng mga tao. And siyempre matagal tagal na rin ako sa showbiz kaya medyo sanay na rin ako," sabi ni Barbie.