Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Umabot sa 433 katao ang sinuwerte nitong Sabado ng gabi nang tamaan nilang lahat ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 na may premyong mahigit P236 milyon at makikita ito sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ayon sa PCSO, maghahati-hati ang lahat ng nanalo sa jackpot prize na P236,091,188.40.
Ang lumabas na kombinasyon ng mga numero ay 09-45-36-27-18-54 at ayon sa ilang mga nakapansin, divisible umano ito by 9.
Wala namang tumama sa kasabay nitong draw na Lotto 6/42 kung saan ang number combination na lumabas ay 37-42-14-09-13-04, at mayroon itong kabuuang premyo na P24,908,649.60.
Samantala, umabot na sa P110,134,645.60 ang jackpot prize sa Superlotto 6/49, na hindi pa tinatamaan.
Posible ring umabot sa P100 milyon ang premyo sa susunod na draw ng Ultra Lotto 6/58.
Samantala, dalawang senador naman ang diskumpiyado sa naging resulta ng 6/55 Grand Lotto.
Ayon kay Senador Koko Pimentel, iniisip na niyang mag-file ng isang resolusyon na magsasagawa ng audit at mag-iimbestiga sa gaming activities ng PCSO at dagdag niya, kailangang panatilihin ng ahensya ang integridad nito at para maprotektahan ang mga mananaya.
"Katakataka iyong result na yan. Iyong 433 ang mananalo, supposed to be ang chances mo diyan is 1 in how many millions. So ibig sabihin, ganun kahirap dapat tamaan iyan and then to say na 433 ang tumama, there is something suspicious," saad ni Pimentel.
"Talagang marami po ang nagtaka, na medyo nagulat because statistically speaking, this is a very rare event. Let us take this opportunity to investigate so that ang purpose natin is to ensure the integrity of our lotto games," dagdag niya.
Para naman kay Senadora Risa Hontiveros, suportado niya ang panukala ni Pimentel na imbestigahan ang nangyari.
"We just want to rule out any doubts in the public mind that the results have been manipulated," saad ni Hontiveros. "While we recognize that people tend to bet in patterns, we also want to make sure the system is secure, free from glitches, and trustworthy."

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…