
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Inihayag ng Abra Police Provincial Office na naaresto na umano ang apat na suspek sa pananambang sa isang guro sa Bangued, Abra. Umamin umano ang mga ito na napag-utusan lang silang itumba ang biktima sa halagang P100.000.
Kinilala ang mga suspek na sina Sonny Boy Tullas, Abelardo Talape, Aldrin Alagao, at Rommel Paa na siyang itinuturong gunman sa pagpatay sa biktimang si Rudy Steward Dugmam Sayen. Ayon sa imbestigasyon, sakay noon ng motorsiklo si Sayen nang barilin siya ng mga salarin na nakasakay din sa motorsiklo.
Ayon pa sa mga otoridadm nakatulong ang mga kuha ng CCTV sa iba't ibang lugar sa ginawang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek.
Nakita rin ang lugar kung saan nila iniwan ang baril na ginamit sa krimen. Nabawi rin ang dalawang motorsiklo na sinakyan ng mga suspek.
Ayon sa mga suspek, napag-utusan lang sila na patayin ang biktima sa halagang P100,000
Sinabi naman ni Abra Police Provincial Office director Police Colonel Maly Cula, kamag-anak umano ng biktima ang lumalabas na utak sa krimen.
Hindi muna tinukoy ang pangalan ng umano'y mastermind pero kasama na siya sa mga sinampahan ng kasong murder.
Away sa lupa na minimina ang lumilitaw na motibo kaya ipinapatay ang biktima.
"Ang lupa na 'yon ay pag-aari ng pamilya, na allegedly minimina nitong mastermind yung lupa na pinapatigil ng biktima na ikinagalit ng tinatawag nating mastermind," paliwanag ni Cula.
Wala pang pahayag ang pamilya ng biktima, ayon sa ulat.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…