Kelsey Merritt, kasama sa video ni James Reid
Inilabas nitong nakaraan ang pinakabagong music video ng bagong kanta ni James Reid na pinamagatang "u & i" sa kanilang YouTube channel kung saan tampok rin ang modelong si Kelsey Merritt at siyempre, nag-trending agad ang naturang video kung saan makikita ang maiinit na eksena nina James at Kelsey.
Umani naman ng samu't saring komento mula sa netizens ang bagong release ng binata dahil sa ganda ng pagkakagawa nito.
Mas lalo pa nga nilang hinangaan si James dahil makikita raw lalo ang growth ng binata bilang artist.
"The vocals, the vibes, the beat, the visual, the MV, and their chemistry. Masyadong ginalingan!" saad ng isang netizen.
"It really sounds expensive and so international. The way he puts his artistry and talent in his music is really admirable. I really wish that his songs together with his label and their other artist will be recognized locally and globally. They deserve to be heard," saad naman ng isa pa.
Maski ang kanilang mainit na eksena ni Kelsey ay hindi pinalagpas ng mga netizens.
"Maganda. Pero hindi ko kinaya yong kissing scene nila. Kasi ngayon ko lang nakita na may ibang ka kissing scene si James. Ang hirap tanggapin na wala na talagang pag asa. HahHa nkakainis!" chika ng isa.
Matatandaang unang kumalat sa social media ang mga larawan nina Kelsey at James kung saan makikitang close na close at pawang sweet ang dalawa habang sakay ng sasakyan ang dalaga at nakatayo naman sa harap niya ang aktor sa isang parking lot.
Marami ang nag-akala na baka mayroon nang namamagitan sa kanila only to find out na parte pala ito ng music video ng bagong kanya ng binata.