
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Ilan sa ating mga kababayan na indigenous people gaya ng tribe ng Manobo Pulang-iyon ng Bukidnon ang nananawagan ng hustisya para sa kanilang tribo na may kaugnayan sa usapin ng kanilang mga ancestral domain.
Ayon sa grupo, nais nilang makabalik ang 1,500 na pamilya sa 20 ektaryang ancestral domain at nananawagan sila ng hustisya para sa kanilang karapatan sa lupa sa Bukidnon, matapos mapilitang manirahan sa gilid ng kalsada.
Pinalayas umano sila sa lupang ipinamana sa kanila.
Isang haciendero umano ang nagpalayas sa kanila na nagsasabing siya ang tunay na may-ari ng lupain. Pinaalis sila sa tulong umano ng private army.
Ayon kay Datu Rolando Anglao, tribal leader ng Manobo Pulangiyon, ang nasabing lupa na isang siglo na nilang inalagaan at dati na rin nilang ginagamit pangkabuhayan, taniman ng makakain, at pinagkukuhanan rin ng tubig.
Samantala, tiniyak ng Amnesty International Philippines ang suporta sa laban ng mga katutubo na sa ngayon ay naninirahan sa kahabaan ng highway sa Bukidnon.
Nananawagan sila sa lokal na pamahalaan na gumawa ng agarang aksiyon upang protektahan ang kanilang karapatan.
"Nakakaranas kami ng harrasment inikutan kami ng private army, natatakot kami dahil sa highway kami nakatira," sabi ni Anglao.
Nanawagan rin siya sa administrasyong Marcos na tulungan sila lalo't nare-redtag na rin umano sila.
"Sa ngayon naghahanap kami ng matibay na ebidensya para mabigyan ng hustisya ang ginawa sa Manobo," sabi ni Butch Alano, direktor ng Amnesty International Philippines.
Ipagdiriwang ang National Indigenous Peoples Month sa Oktubre.
Sana lamang ay mapakinggan talaga ng pamahalaan ang mga hinaing ng ating mga IP lalo na pagdating sa usapin ng mga ancestral domains.
Kung iisipin kasing mabuti, sila ang mga mas may karapatan sa lupang kung saan sila namuhay nang matagal.