SUBSCRIBE NOW
SUBSCRIBE NOW

Erich Gonzales, nasa Switzerland

Erich Gonzales, nasa Switzerland
Published on

Kasalukuyan palang nasa Switzerland ang aktres na si Erich Gonzales kasama ang kanyang asawa at no less na si Xian Gaza umano ang nakakita sa aktres.

Base sa mga post ni Erich, may mga larawan siyang kuha sa Lake Brienz kung saan nag-shoot ang Korean drama series na Crash Landing On You.

Ilang oras pagkatapos mag-post ni Erich ng mga larawan niya sa IG ay nag-post naman ang dating nagyaya ng coffee date sa kanya na si Xian Gaza sa kanyang Facebook account.

"Erich Gonzales, I saw you last time sa Interlaken, Switzerland. I was about to approach you nang bigla kong maalala na may asawa ka na nga pala kaya tumalikod na lang ako at nagpunas ng luha," saad ni Xian sa isang post.

Umabot sa 208 shares at 66,000 engagements ang post na ito ni Xian at sagot niya sa mga komento ay, "okay lang ako, salamat."

Matatandaang niyaya ni Xian si Erich ng coffee date sa pamamagitan ng billboard noong 2017 na ikinabit sa may Morayta, Manila.

Ang nakalagay sa billboard, 'I can't even espresso how much I like you a latte. Erika Gancayco. Will you… drink coffee with me?"

Hindi ito sinagot ni Erich base sa pahayag niya noon sa sa ABS-CBN online lalo na nu'ng naglabasan ang balita tungkol sa business deals ni Xian.

Noong 2017 ay nakilala ni Erich ang napangasawa niyang si Mateo Lorenzo at simula noon ay wala nang nabalitang naugnay sa aktres hanggang sa ikinasal sila nitong Marso 23, 2022.

Going back to Xian ay si Jennie ng BlackPink naman ang sumunot na niyaya niyang maka-date sa pamamagitan din ng billboard na itinaas sa bansang Korea noong Nobyembre 2021 at hindi rin siya sinagot.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph