

Aminado ang aktres na si Bela Padilla na minsan na umano siyang in-offeran na magkaroon ng isang show pero hindi niya ito tinanggap.
"Was offered a show a few days ago that I decided to respectfully decline because I felt like the character and storyline were both too familiar to me already," saad ni Bela at dagdag niya, mas nakilala na rin kasi niya ang kanyang sarili sa tagal na rin sa industriya at alam na rin niya kung ano ang kanyang gusto.
"I'm happy that after the pandemic, I've learned to choose what is essential to me now," dagdag pa ni Bela.
Wala namang nabanggit ang aktres kung anong istasyon ang nag-alok sa kanya ng project.
Ang huling teleseryeng pinagbidahan niya ay ang "Sino Ang Maysala?: Mea Culpa" kasama sina Jodi Sta. Maria, Ivana Alawi, Kit Thompson, Ketchup Eusebio, at Tony Labrusca na umere sa ABS-CBN.
Sa kabila ng pagtanggi sa posibleng new project ay marami pa rin sa mga tagasuporta ni Bela ang looking forward na mapanood muli ang aktres.
Kung may supportive kay Bela sa kanyang naging desisyon na huwag tanggapin ang offer, may ilan naman na tila hindi nagustuhan ang kanyang desisyon.
"Ay namimili ng trabaho. Pasalamat ka nga teh may nag-offer pa kahit hindi ka naman big star to begin with. Dami diyan walang trabaho," comment ng isang netizen.
Huling napanood si Bela sa pelikulang "366" na ipinalabas sa Vivamax at Netflix kung saan kasama niya sina JC Santos at Zanjoe Marudo.
Ito rin ang kauna-unahang pelikula na bukod siya ang nagsilbing bida ay siya rin ang naging direktor.