Bata ginahasa, nabuntis ng magsasaka


Isang magsasaka ang ibinalibag sa selda nitong Huwebes matapos gahasain ang isang batang babaeng nabuntis pa nito sa Bambang, Nueva Vizcaya.
Sa inilabas ni Judge Paul Atolba Jr. ng RTC Branch 30, Bambang, ang warrant of arrest sa kasong statutory rape ay walang inirekomendang piyansa laban sa suspek na kaanak ng pamilya ng biktima, at sa katunayan ay sa bahay nito nakikitira.
Ayon kay PMaj. Eric Ferrer, hepe ng Bambang Police, pinasok ng akusado ang biktima sa kaniyang silid at pinagsamantalahan.
Nagbanta umano ito na papatayin ang 11 anyos na biktima kapag nagsumbong kahit kanino, dahilan upang maisakatuparan ang makamundong pagnanasa.
Walang kasama noon ang biktima dahil nasa bukid umano ang mga magulang nito at may inaasikaso.
Depensa naman ng suspek ay may relasyon umano sila ng biktima, bagay na pinabulaanan ng biktima.
Nagbunga ang kagagawan ng suspek at nabuntis ang biktima na sa ngayon ay nakapanganak na rin.
Hindu immigrants abroad celebrate in either August or September Ganesh Chaturthi, a 10-day festival commemorating the…
President Ferdinand Marcos Jr. on Tuesday called for women’s greater representation in leadership across Southeast…
The Senate impeachment court on Tuesday denied the prosecution’s bid to compel Vice President Sara Duterte to confirm…