Inihayag ng Makati Police na nakakulong na ang isang lalaki na suspek sa pamamaril at pagpatay umano sa dalawang household bodyguards sa South Forbes Park Village, Makati City nitong Lunes ng gabi.
Sinabi ni Makati PNP chief Police Col. Edward Cutiyog na ulam daw umano ang sinasabing ugat ng pamamaril.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, at base na rin sa salaysay ng mga witness, napikon ang suspek matapos kaunti lang ang ihinain na ulam sa kanya ng dalawang biktima matapos silang mag-inuman.
Nagtalo sila hanggang sa nauwi umano sa pamamaril.
Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang isang biktima habang sa baywang naman tinamaan ang isa.
Agad na tumakas matapos ang pamamaril ang suspek, pero nadakip din siya ng mga pulis matapos magtago sa isang bahay sa parehong subdibisyon kung saan naganap ang krimen.
Tumanggi nang magbigay ng pahayag ang suspek.
Three decades after the Marcopper mining disaster devastated Marinduque’s waterways, the province is again pressing the…
Housing is probably the biggest issue affecting people the world over.
Malacañang on Monday called for a more thorough investigation into the questioned flood control projects in Taguig…
The defense on Monday backed the move by senator-judges to exclude a prosecution witness who testified on the firearms…
Mahigit isang taon na umano na magkakasama ang suspek at bitkima at wala naman silang naging mabigat na alitan, ayon sa PNP.
Ngayong Miyerkoles nakatakdang isampa ang kasong double murder sa suspek.
Pag-aaralan kung may dagdag na theft o robbery sa isasampang kaso lalo't may nawawala umano sa gamit ng mga biktima.