Durog sa lolong amain


Sabog ang ulo ng isang lalaking umuwing lasing matapos hatawin ng tubo ng kanyang stepdad nang umano'y mag-amok dahil sa kabangagan sa alak sa San Fabian, Pangasinan, nitong Lunes.
Sa ulat ni PLt. Col. Michael Datuin, OIC ng San Fabian Police , kinilala ang biktimang si Gelmar Rebosa (24), construction worker, habang kusa namang sumuko sa himpilan ng pulisya ang suspek at stepfather ng biktima na si Teofilo Padilla (74) vendor, na pawang residente ng Brgy. Longos Central.
Gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng suspek sa nasabing lugar.
Ayon sa mga nakasaksi na kapitbahay ng mag-amain ay nakita pa umano nilang umuwing bangenge na sa alak ang biktima.
Ngunit ilang sandali lang ay bigla na lamang umano nagwala ang biktima kaya sinaway ito ng suspek ngunit, sa halip na sumunod na lamang, ay lalong nagpuyos sa galit ang biktima at sinugod ang amain saka tinangkang gulpihin.
Three decades after the Marcopper mining disaster devastated Marinduque’s waterways, the province is again pressing the…
Housing is probably the biggest issue affecting people the world over.
Malacañang on Monday called for a more thorough investigation into the questioned flood control projects in Taguig…
The defense on Monday backed the move by senator-judges to exclude a prosecution witness who testified on the firearms…
Nagawa naman makalaban ng matandang lalaki, at nagawang makadampot ng isang bakal na tubo saka hinataw ito sa ulo ng stepson na ang pakay lamang daw niya ay para matumba sa sahig ang biktima at tuluyan niyang maawat sa pagwawala nito.
Mabilis ding isinugod sa Region 1 Medical Center, Annex, Dagupan City, ang biktima ngunit hindi na rin ito pinalad pang mabuhay.
Samantala, kusa namang nagtungo sa istasyon ng pulis ang suspek at isinuko ang sarili, na ngayon ay nahaharap sa kasong homicide.