
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Viral nitong nakaraan ang CCTV footage ng isang 63-anyos na street sweeper na nasagasaan sa Parañaque at umani ito ng samu't saring opinyon mula sa mga netizens nang kumalat ito sa social media.
Talaga namang nakakagalit kung papanoorin ang CCTV dahil imbis na tulungan ng nakasagasa ang matanda ay tinakbuhan pa niya ito.
Ang pangyayaring ito ang nagbunsod sa ilang mga netizens na magbigay ng donasyon sa pagpapaospital ng matanda, isang bagay na talaga namang ipinagpapasalamat ng pamilya dahil sa pinsalang tinamo ng kanilang kaanak.
"Yung sa ulo niya po is bumuka po kasi yung sa ulo niya kaya tinahi po doon. Tsaka yung sa tenga niya is natanggal po kaya ngayon po ngayon yung schedule niya para sa tenga niya para masarado at lalagyan ng artificial na tenga," saad ni Jade Bacus, ang anak ng biktimang si Doreen Bacus.
Pero ang masakit, nilimas ng scammer ang mobile wallet na naglalaman ng donasyon para sa biktima at ayon kay Jade, aabot sa P76,000 ang nakuha ng scammer mula sa donasyon para kaniyang ina na kasalukuyang ginagamot sa ospital.
Kuwento ni Jade, nagpanggap umano ang scammer na kinatawan ng isang charity na gustong tumulong sa kaniyang ina.
"Napakabilis po kasi ng pangyayari. Ang galing po magsalita nung babae. Sabi niya po tutulong po siya, taga-charity daw po siya. At saka napanood daw niya po yung video ni mama kaya gusto daw nilang makatulong," sabi ni Jade.
Naisumbong na ng pamilya ang insidente sa Anti-Cybercrime Group ng Philippine National Police.
Ayon pa kay Jade, nakausap na niya ang driver ng SUV. Lagi rin daw pumunta ang pinsan ng driver sa ospital para alamin ang pangangailan ng kaniyang ina.
Ito ang mga insidenteng nakakapagpadagdag pa ng galit, dahil sa halip na matulungan ang mga naargrabyado ay sila pa ang nagiging biktima lalo ng mga walang pusong nilalang na nais lamang makapanlamang sa kapwa.
Dapat pagtuunan ito ng pansin ng mga kinauukulan, dahil hindi dapat pinalalampas ang mga ganitong pangyayari.