
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Si dating Supreme Court (SC) Chief Justice Lucas Bersamin na ang bagong Executive Secretary matapos siyang hirangin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Martes.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, nanumpa ngayong Martes kay Marcos si Bersamin at dagdag niya, batay umano sa tiwala ang desisyon ni Marcos na kunin bilang bagong executive secretary ang dating punong mahistrado.
Pinalitan ni Bersamin sa naturang puwesto si Atty. Vic Rodriguez, na nagbitiw bilang executive secretary noong September 17.
Itinalaga naman si Rodriguez bilang Presidential Chief of Staff ni Marcos.
"Sinasabi ng ating Pangulo he is well qualified to be the executive secretary. Having put in so many years in the judiciary, he has the necessary legal background and the ability to deal with paper work," saad ni Angeles.
"Plus of course he is trusted and well-qualified of this," dagdag niya.
Noong nasa SC pa si Bersamin, kabilang siya sa mga mahistrado na bumoto pabor na mailibing si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., sa Libingan ng mga Bayani.
Kabilang din si Bersamin sa mga bumoto na nagdedeklara sa Priority Development Assistance Fund o pork barrel na "unconstitutional."
Nagtapos si Bersamin sa University of the East College of Law, at itinalagang Quezon City regional trial court judge noong 1986.
Taong 2003 nang mahirang siya sa Court of Appeals, at napunta sa Supreme Court noong 2009 na panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.