
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…
Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Hindi na nakalabas pa nang buhay ang isang matandang babae na retired school principal at tatlo niyang apo matapos lamunin ng apoy ang kanilang bahay sa Tubod, Lanao del Norte, nitong Linggo.
Sa ulat ng Tubod Police Station, ay kinilala ang mga biktimang sina Charita Cabus, 71, dating punong guro principal ng Tubod Central Elementary School, mga apong sina Roy Jr., 20; Raisa Christine Rona Cabus, 22, at Psyche, 11 buwan gulang pawang mga residente ng Purok 1,Brgy. Tangueguiron.
Ayon sa mga kapitbahay ng mga biktima ay nakita na lamang niyang lumalagablab ang apoy sa bahay ng mga Cabus, nang dumating sina mag-amang sina Cheska at Roy, anak ni Lola Charita, ay sinubukan pa nilang iligtas nag mga biktima ngunit hindi na rin nagawang makalabas pa ng mga ito ng buhay dahil sa laki na ng apoy.
Nang maapula na ang apoy at marecover ang mga labi ng mga biktima ay halos hindi na sila makilala sa sobrang pagkakasunog.
Ayon naman sa Bureau of Fire Protection, ay tinatayang aabot sa P500,000 halaga ng mga ari-arian ang nasunog.
Patuloy pa rin ang pagsasagawa ng pagsisiyasat ng mga awtoridad sa kung anong pinagugatan ng sunog, gayundin ay inaalam pa kung mayroon bang naganap na foul play.