Christine Bermas, hindi papatalbog

Sa bagong offering ng Vivamax na "Relyebo" ay hindi talaga magpapatalbog ang sexy actress na si Christine Bermas sa kasama niyang si Jela Cuenca sa isa na namang sexy-thriller movie produced by cult director Roman Perez Jr. and directed by Crisanto Aquino.
Ayon sa dalaga, nagkasama na sila sa 'Island of Desire' pero mas sexy at mas nagbabaga umano ang bago nilang movie na 'Relyebo."
Sa kuwento, gaganap si Christine bilang si Amor, "Isa siyang saleslady na ka-live in Sean de Guzman as Jimmy, na isa namang security guard. Dahil sa gabi ang trabaho niya at sa araw naman ang trabaho ko, nagkikita lang kami sa umaga pagdating niya from work at bago naman ako umalis para sa trabaho ko. Okay naman kami pero napansin kong lately, parang may laging something na kakaiba sa kanya. Parang distracted siya," sabi ni Christine.
Si Jela naman ang gaganap na misteryosang babae na nakatira sa condominium kung saan nagtatrabaho si Sean bilang security guard.
"Maganda yung role ko kasi mahiwagang babae si Miss F. Unlike other condo tenants na regular ang schedules ng pag-alis at pag-uwi, si Miss F, erratic ang schedule kaya naiintriga lalo si Jimmy. Ako naman, napansin ko agad na
pinagpapantasiyahan niya ako and willing akong makipaglaro sa kanya. I invite him to my bed pero may matutuklasan siya about me and my work at ito ang siyang babago sa takbo ng buhay niya," saad ni Jela.
Kasama rin sa movie sina Jeric Raval, Lara Morena, Carlene Aguilar, Jeffrey Hidalgo at Juliana Parizcova Segovia.
Ipalalabas na ang "Relyebo" sa Vivamax simula sa October 14.
