
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Naglabas na ng direktiba ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Lunes kung saan pinapayagan na muling magkaroon ng mga nakatayong pasahero sa mga pampublikong sasakyang bumibiyahe sa mga lugar sa ilalim ng Alert Level 1.
Nakasaad sa memorandum na ipinalabas ng ahensiya na tanging mga public utility bus (PUB) at Class 2 na modern public utility jeepney (MPUJ) lang ang papayagang magkaroon ng nakatayong pasahero.
Ayon pa sa memorandum ng LTFRB, kailangang nasa 15 ang maximum na standing passenger lamang ang papayagan at one-person apart ang pagitan sa mga Low-Entry/Low Floor na public utility buses.
Sa mga coach-type PUBs naman, sampu lamang ang maximum na standing passenger ang papayagan na may one-person apart na pagitan habang nasa limang maximum standing passenger na may one-person apart lamang ang papayagan sa mga MPUJ Class 2.
Sinabi ng LTFRB na ang bagong polisiya ay alinsunod sa utos ng Department of Transportation para magamit nang husto ang mga espasyo sa mga pampublikong sasakyan nang hindi labag sa public health safety protocols.
Nagpaalala naman ang LTFRB sa mga driver at operator na laging sundin ang mga polisiya at alituntunin ng ahensya.
Kung matatandaan, ang pagbabawal sa mga nakatayong pasahero ay kabilang sa mga restriction na ipinatupad sa mga pampublikong sasakyan noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Bagama't makakatulong ang hakbang na ito sa mga PUV drivers na madagdagan ang kanilang mga kita, kailangan pa rin ng ibayong pag-iingat dahil hindi pa rin nawawala ang banta ng COVID-19 sa bansa.
Kailangang sundin pa rin ang mga nakatalagang health at safety protocols gaya nang pagsusuot ng masks, social distancing at palagiang paghuhugas ng kamay upang maiwasan na magkaroon ng panibagong surge ng nakamamatay na sakit.
Dapat masiguro ng LTFRB na hindi ito magiging sanhi ng pagkalat pa lalo ng COVID-19.