Kim Chiu, tutol sa pagboboksing ni Xian

Inihayag ng aktres na si Kim Chiu na ayaw niyang sumabak sa pagbo-boxing professionally ang boyfriend niyang si Xian Lim kung saan ito ang gagampanan na role ng aktor sa kanilang reunion movie na "Always."
Off-cam, kilala rin si Xian sa pagiging passionate sa anumang mahiligan—be it pagpa-piano, ventriloquism, scriptwriting, painting, motorcross at kung anu-ano pa.
Dahil dito ay natanong si Kim kung sakaling makahiligan din ni Xian ang boxing ay payag ba siya kung sakaling gawing alternate career ni Xian ang professional boxing.
"Kami naman ni Xian kapag mga career moves, trabaho…hindi, wala kaming hawak d'yan. Kung ano 'yong gusto mo gawin mo. Suportahan kita," sabi ni Kim. "Kung ano 'yong gusto n'ya para sa akin, gagawin din. Oo, kasi 'yon naman ang gusto n'ya sa buhay. Hindi pa naman s'ya nakatali so, go! Ilaban mo kung anong gusto mo."
Nasambit niya ang mga iyon dahil kampante naman daw siya na hindi rin maiisip ng kanyang nobyo na karirin ang pagbo-boxing.
"Pero alam ko sa sarili ko na ayaw maging boksingero. Hahaha! Kasi nasasaktan s'ya. Pag nagti-training sabi n'ya, 'Masaki ang talaga 'yon ano ko… Masakit… Masakit…' Ang daming masakit. Tiniis n'ya para mag-training para sa movie," saad ng dalaga.
"Pero professionally…matatalo lang s'ya. Hahahaha! Wag na lang," dagdag pa niya.
