
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
No less than Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang nagpahayag ng buong suporta nito sa pagrampa ni Celeste Cortesi sa Miss Universe 2022 na gaganapin sa New Orleans Morial Convention Center sa New Orleans, Louisiana, USA sa January 14, 2023.
Ayon kay Pia, isa siya sa mga magdarasal at buong-pusong magbibigay ng suporta kay Celeste sa paglaban nito bilang bet ng Pilipinas sa nasabing international pageant.
Sa kanyang Instagram account, nagbahagi ang actress at beauty queen ng ilang litrato na kuha sa kanyang advance birthday celebration na in-organize tinaguriang world-renowned queenmaker na si Jonas Gaffud.
Si Jonas ang naging mentor at trainer ni Pia noong sumabak siya sa Miss Universe 2015 kaya naman napakalaki raw ng tinatanaw niyang utang na loob dito.
"A night to remember! Thank you Mama J for arranging this special early birthday dinner! The last time I got to bond with Mama J was in 2019. We saw each other in MUPH earlier this year but we were all so busy with the pageant. I'm so grateful you made it possible for us to get together with the Empire fam," sabi ni Pia.
Kasunod nito, ibinahagi rin ni Pia ang litrato nila ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi na present din sa birthday celebration ni Jonas Gaffud.
"Swipe til last for a photo with my sister who I'm rooting for to get that Crown," saad ng beauty queen.
Kamakailan, sa vlog ni Celeste, sinabi ng dalaga na si Pia ang pinaka-favorite niyang beauty queen, na siya ring dahilan kung bakit nagdesisyon siyang mag-join sa beauty pageant.
"I would say Pia Wurtzbach, like she's my ultimate favorite.
"I was just so amazed at the overall performance of Pia. And she really inspired me in joining beauty pageants," sey ng Pinay beauty queen.