Kat Alano, nababash ngayon



Naudlot man dahil sa masamang panahon ang labanan ng Mubadala DC Open Finals, tuluyan namang isinulat ni ngayo’y World…

Patuloy na binabantayan ang dalawang Low Pressure Area (LPA) na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Nasawi ang mag-asawang senior citizen sa Quezon City matapos ma-trap sa kanilang nasusunog na tahanan gabi ng ikalawa…

Nagsumite ng petisyon si Senador Jinggoy Estrada para muling ikonsidera ang kaniyang pagpiyansa matapos itong tanggihan…
Naglabas ng opisyal na statement ang team ng Meralco Bolts patungkol sa patutsada ni Rain or Shine (ROS) Elasto…
Matapos ang kanyang mga cryptic post sa social media, nababash na ngayon ang TV host-VJ at dating aktres na si Kat Alano nang magpahayag siya ng saloobin ukol sa pagkakaroon ng hustisya matapos ang nangyaring panghahalay sa kanya 17 years ago.
"I can finally feel peace today. God is good all the time. Justice, finally after 17 years," saad ni Kat sa kanyang tweet nitong nakaraan.
Kapansin-pansin naman na kasabay ng kanyang tweet ay ang paglabas ng arrest warrant laban sa "It's Showtime" host na si Vhong Navarro para sa acts of lasciviousness na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo.
At nitong nakaraan lang, muling nag-tweet si Kat patungkol naman sa mga natatanggap niyang negatibong komento buhat nang muli siyang magsalita sa nangyaring panggagahasa sa kanya 17 years ago.
"Wow, some of these people bashing me… Guys sobrang backwards pa rin ang mentality ng marami," saad ni Kat.
Sa kabila nito ay nagpasalamat naman si Kat sa mga sumusuporta sa kanya.
"But big thanks to those supporting and explaining rape culture to those who are still unaware. I see you, I know some of you are victims too. Thank you," sabi niya.
"Ang daming galit. Binayaran daw ako, laos na daw ako, sawsawera. Eight years na ako nagsasalita. Puro bashing lang ang natanggap ko. Sa tingin niyo worth it magsalita para inaabuso ako ng mga fans niya? Sa tingin niyo lalaban talaga ang ibang victims pag nakita nila ugali niyo!"