
Hindi panghihimasukan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ng ehekutibo ang magiging hakbang ng Office of the Ombudsman…

Instant milyonaryo sa bayarin!

Nangako si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Francis Tolentino na pangangalagaan ng ahensya ang…

Mariing pinabulaanan ng Department of Health (DOH) ang alegasyon laban sa kalihim nitong si Dr. Jose "Brix" Pujalte,…

Namaalam na ang veteran showbiz columnist, radio commentator at talent manager na si Jobert Sucaldito.
Ilang grupo sa bansa ang nangangamba ngayon na baka madagdagan pa umano nang hanggang P4 per kilo ang presyo ng bigas at ayon sa Federation of Free Farmers Cooperative, ang posibleng pagtaas ng presyo ng bigas ay sanhi ng pagtaas pa rin ng halaga ng mga produktong petrolyo.
Ayon sa grupo, bukod pa ito sa nagmamahal na gastusin sa pagtatanim dahil sa tumataas na rin umano ang presyo ng abono o pataba sa lupa.
Noong nakaraang linggo, tumaas sa P15,000 ang halaga ng fertilizer mula sa dating P12,000 at dahil umano rito, nadagdagan ng P3 per kilo ang rice production cost. Kaya ang profit margin ng magsasaka ay nasa P4 per kilo na lang.
Ilang nagtitinda ng bigas ang nagtaas na umano ng kanilang presyo noong nakaraang buwan. Pero dahil sa reklamo ng mga namimili, hindi nila maisagad ang dagdag presyo na kailangan nilang ipataw.
Sa halip, umaasa na lang ang mga nagtitinda ng bigas na marami ang mamimili ng produkto.
Sa ngayon, ang lokal na bigas ay nagkakahalaga sa mga pamilihan ng mula P38 hanggang P40 per kilo.