

Kung ang vlogger at influencer na si Zeinab Harake ang tatanungin, wala siyang nakikitang tensyon at kumpetensya sa pagitan nilang tatlo nina Donnalyn Bartolome at Jelai Andres kahit pa may ilang mga netizens ang nagpapalutang nito.
Sa ngayon ay sikat ang tatlong social media influencers with millions of followers across all online platforms.
Giit ni Zeinab, talagang magkakaibigan sila.
"Ay, naku po! Wala po talaga! Friends po talaga kami! Actually, yun yung DoLaiNab, si Donnalyn, si Jelai and ako. Friends talaga kami. Ito yung…siguro kaya rin na parang hanggang ngayon, yung trio na yon, nag-start po akong mag-vlog, friends ko na yung dalawa, eh. So, sobrang solid. Kasi hindi lang kami on-cam magkakaibigan, pati off-cam po magkakaibigan kami at magkakasama kami. Magkakapatid na nagtutulungan," sabi ni Zeinab.
"Kapag may problema yung isa, tulungan po talaga kami. So, wala pong competition talaga. And eto po, sa totoo lang, ito po yung personalidad ko, ha? Hindi po ako nai-insecure. Kasi, hindi po ako nakikipagkumpetensya kahit kanino. Hindi ko naman po kailangang makipagkumpetensya at makipag-anuhan dahil kung ano lang po yung meron diyan, eh, okay na po ako du'n, at du'n ako nasanay. Siguro, one thing na pinakamagandang ibinigay ni Lord about sa akin, eh, yung ugali ko talaga. Marunong po akong makuntento," dagdag niya.
Nauna rito, inamin ni Zeinab na ayaw muna niyang pasukin ang showbiz kahit maraming offer sa kanya para mag-artista.
"Natatakot lang po talaga akong pasukin yung mundo ng showbiz, feeling ko kasi hindi pa ako handa na sumabak sa acting. Gusto ng parents ko na mag-artista ako, lalo na yung mama ko. Sa totoo lang po, nag-o-audition po ako sa ABS, sa kahit saan. Naranasan ko pang maging ekstra sa mga TVC noong bata po ako. Talagang nakita ko kung gaano kahirap at kagaling 'yung mga artista. Hindi ko masabi na kaya kong gawin 'yung kaya nilang gawin, e. Magiging totoo lang po talaga ako palagi sa kung hanggang saan ang kaya ko. Pero pagdating po sa serye at sa movies, malalaman pa po natin yan," saad ni Zeinab.