SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

Basta may alak, may balak

Published on

Dahil sa alak ay naisakatuparan ng isang lalaki ang kanyang balak na makuha ang pagkababae ng dalagang kainuman sa San Miguel, Bulacan, nitong Biyernes.

Sa ulat ng San Miguel Police ay kinilala ang suspek na si Harny Liuanag, 28, ng Brgy. Pulong Duhat habang itago naman sa pangalang Neneng, 22, ang biktimang taga-Brgy. Camias.

Ganap na alas-2:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa bahay mismo ng suspek, niyaya umano ng suspek ang biktima na makipag-inuman sa kanya.

At dahil kapalagayan naman niya ng loob ay agad na pumayag ang biktima, sa gitna ng one on one at nakarami na rin ng alak ang dalawa, ay nakaramdam na rin ng matinding pagkalasing at pagkahilo ang biktima dahilan upang antukin na siya.

Nang mahimbing nang natutulog ang biktima ay pasimple siyang ginapang ng suspek ngunit nagising siya at nagawang manlaban ngunit dahil nga lasing na rin ay hindi niya nadaig ang lakas ng suspek hanggang sa maisakatuparan na nito ang kamunduhang hangarin.

Matapos ang insidente ay nagawang makatawag sa 911 hotline ang biktima kung saan ay mabilis ding nakaresponde ang mga awtoridad na nauwi sa agarang pagkakaaresto sa suspek.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ito ng nasabing himpilan at nahaharap sa kasong panggagahasa.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph