
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Sa kabila ng mga hirap na nararanasan ng ating mga kababayan dahil sa nagpapatuloy na pandemya at patuloy na pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin, hindi pa rin sumusuko ang mga Pinoy na makaraos sa hirap na hinaharap sa buhay.
Karamihan sa mga Pinoy ang naghahanap ng trabaho at ang kalimitan ay mga Pinoy seafarers ang hinahanap.
Bukod kasi sa magagaling ay talagang maaasahan ang mga Pinoy seafarers kung kaya mas malaki ang demand para sa kanila.
Kaya naman naniniwala si Department of Migrant Workers Secretary Susan Ople na maraming trabaho ang naghihintay para sa Filipino seafarers at cruise line personnel dahil sa muling pagsigla ng cruise industry.
"We are talking of employment for thousands of seafarers. Barring unforeseen circumstances, the industry sees sustained growth in demand for our maritime workers given the uncertainty in Ukraine," sabi ni Ople.
Sa kabila ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine at economic crisis ng mundo hindi pa rin bumababa ang pangangailangan ng global maritime industry sa ating seafarers.
Ang Ukraine kasi ang ikaanim na pinagmumulan ng seafarers sa buong mundo, ngunit dahil sa digmaan doon napilitan ang ibang shipping companies na kumuha ng seafarers sa ibang bansa tulad ng Pilipinas.
Sa ngayon, isa sa bawat limang international seafarer ay isang Pilipino. Kaya rin daw ng local manning industry na mapunan ang pangangailangan sa Filipino seafarers sa abroad.
Sabi ng Magsaysay Maritime Corporation, kailangan nilang mag-empleyo ng 5,000 seafarers para sa iba-ibang cruise ship staffing requirements sa susunod na tatlong buwan.
"The cruise line industry offers highly competitive salaries and benefits, and I share the view of the manning industry that Filipino seafarers possess the skills, training, and attitude needed by the industry," sabi ni Ople.
Sa kalagitnaan ng 2022, bumalik na sa regular operations ang 74% ng cruise lines at 90% ng kanilang total fleet ay nanumbalik na sa operasyon.
Sa tantiya ng industriya, may 58% na pagtaas ng passenger volume sa cruise travel dahil sa pagsigla muli ng turismo sa maraming bansa.
Kailangang samantalahin ng ating mga kababayang seafarers ang pagkakataong ito, dahil minsan lamang darating ang oportunidad na magkaroon ng pagkakataong makapagtrabaho at magkaroon ng pagkakakitaan.