
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Isa ang sexual harassment sa mga nagiging problema ng ilan nating mga kawani ng pamahalaan sa abroad at kahit walang masyadong nababalitang insidente ng mga ganitong pangyayari ay hindi maikakailang nangyayari ito.
Kaya naman nanawagan si Migrant Workers Secretary Susan Ople sa mga mambabatas kamakailan na palawigin ang coverage ng anti-sexual harassment law upang masaklaw din ang mga kawani ng gobyerno sa abroad.
Kamakailan ay dumalo si Ople sa organizational meeting ng Senate Committee on Migrant Workers Affairs (COMWA) sa pamumuno ni Senator Raffy Tulfo at binanggit ng kalihim ang mga kasong kanyang hinawakan noong migrant workers' advocate pa siya.
Ayon kay Ople, may diplomatic officials at ibang tauhan ng gobyerno sa abroad ang inaabuso ang ilang female domestic workers na nakatira sa embassy-run shelters.
"May mga instances po noon na nababalitaan namin na nilalabas ng overseas personnel ang wards para makipag-date, kaya sa DMW mahigpit po ang aming policy against sexual harassment," saad ni Ople.
Isa sa mga binigay na halimbawa ni Ople ang kasong sexual harassment na kinasangkutan ng isang ambassador, may sampung taon nang nakakalipas.
Isang domestic worker noon ang nagsumbong at naghain ng kaso laban sa nasabing ambassador sa DFA. Nitong taon lang naresolba ang kaso kung saan pinagmulta lang ang ngayo'y retirado nang ambassador.
"Second year high school lang ang tinapos nung domestic worker at kinuha siya sa shelter para maging kasambahay nung ambassador kaya clearly very vulnerable ang katayuan niya," sabi ni Ople.
"Sana po palawakin po ang coverage ng anti-sexual harassment law para maisama ang lahat ng government employees assigned sa iba't ibang bansa mula sa ambassador hanggang sa mga driver at local hires," pakiusap ni Ople sa mga senador.
Sana nga ay mapakinggan at mapagbigyan ang kahilingan ni Ople para sa mga kawani ng gobyerno abroad kaugnay sa mga ganitong klaseng insidente.
Hindi naman siguro masama kung palalawigin pa ang coverage ng anti-sexual harassment law dahil makakatulong ito ng malaki sa mga makakaranas ng ganitong klaseng pangyayari.